Linggo, Enero 22, 2017

HANGGANG DITO NALANG
by: Melanie Mataga Magculang




Habang sinusulat ko ito
Ang puso at isipan ko’y nalilito
Hindi ko alam bakit nagkakaganito
Pero natitiyak kong ikaw ang nagdulot nito


Ikaw lang ang aking kailangan
Walang halong alinlangan
Ngayon, bukas, at magpakailanman
Ang pag ibig ko sayo’y walang hangan


Subalit ngayon ano itong nadarama
Ang buhay ko’y naging drama
Akala ko ang mahalin ka ay tama
Pero bakit ganito ang iyong ipinadadama


Pahalagahan ako’y di mo kaya
Sa piling mo ay hindi malaya
Ibang mga lalaki ay iyong kagaya
Inyong iniibig ay hindi masaya


Walang oras hindi nagkakatampuhan
Relasyon nating walang patutunguhan
Kundi ang araw araw na bangayan
Hanggang mapunta sa hiwalayan        


Puso ko’y nagdadalamhati
Sa inaakalang ako’y may kahati
At hindi na maibabalik pa ang dati
Ang pagmamahal na binuo dati rati


Damdamin ko’y naghihinagpis
Walang araw hindi kita namimiss
At hinding hindi kita matitiis
Sa pagkat minamahal kita ng labis


Katotohana’y tanggapin na lamang
Na tayo’y hanggang dito na lang
Ang pag ibig nating isinalang alang
Isang masayang ala ala nalang


Kung ako’y iyong tatanungin
Mananatili o ika’y iiwan ang pagpipiliin
Kasaguta’y wag hintayin
Kahit masakit man para sa akin



IKA’Y AKING PAPALAYAIN…  😭 😭 😭   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento