Miyerkules, Abril 11, 2018

SAMPUNG TALUDTURAN PARA SA AKING NARARAMDAMAN
by: Melanie Mataga Magculang



Una
Pangarap at pag ibig ang iyong pagpipiliin
Sarili mo ay hindi na kailangang hatiin
Batid kong pangarap ang iyong uunahin
At hindi na kita muling gagambalahin

Pangalawa
Hangad kong iyong pagbutihin
Upang makamtam mo ang iyong mithiin
Wag mo na sana akong alalahanin
At magpatuloy sa iyong adhikain

Pangatlo
Ang pangako ko’y aking tutuparin
Na sa iba ay hindi kailanman titingin
At wala na akong iba pang hahanapin
Sapagkat ikaw lang ang aking iibigin

Pang apat
Hanggang kailan kita kayang hintayin
Katanungang ang hirap sagutin
Puso't isipan koy alanganin
Ano nga ba ang dapat sambitin

Panglima
Ako’y hindi mo na binigyan ng pansin
Natapos ko na ang ilang awitin
Hindi pa rin ramdam ang dati mong pagtingin
Na sa akin mo lang binabalin

Pang anim
Araw araw sa kalungkot ako'y iyong papatayin
Pinapangarap na muli kang akbayin
O sinta, kailan ka ba babalik sa akin?
At ang ating kwento ay umpisahan ulit natin

Pang pito
Pinangako sayong ikaw lang ang mamahalin
At kailan man ay hindi ka lolokohin
Ngunit gusto ko sana sayong aminin
Ako’y nahulog na sa iba ng hindi ko pansin

Pang walo
Maging ako’y hindi ko sukat akalain
Na hindi ka mapapasaakin
Ngunit sa may kapal aking hihilingin
Na hindi tayo para sa isa’t isa’y tanggapin

Pang siyam
Ika’y huwag sanang magalit sa akin
Ako sana ay iyong muling patawarin
Mahirap man sa sarili kong aminin
Ngunit manatili sayo’y wag ng pilitin

Pagsampo
Pagmamahalan ay atin ng wakasin
Ang isa’t isa ay atin ng palayain
Sarili nati’y wag limitahin
Tunay na kasiyahan ating hagilapin

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento